2 apple pabaon sa sinibak na hepe ng QCPD-DAID

TUMATAGINTING na dalawang mansanas ang pabaon umano ng District Anti-Illigal Drugs (DAID) ng  Quezon City Police District (QCPD) sa nasibak nilang hepe na si Supt. Richard Ang.

Sarap buhay naman talaga nitong si Col. Ang, puro mansanas ang kinikita  bilang hepe ng QCPD-DAID.

Kaya naman pala kapit-tuko ito sa kanyang puwesto bilang hepe.

Hindi rin kaya takot sa karma ang opisyal na ito?

Sa impormasyong naka-rating sa Lily’s Files ay na-pag-alaman na noong Agosto 15, araw ng Miyerkules, ay inaresto ng mga tao nitong si Col. Richard

Ang ang isang magsyota sa isang establishment diyan sa may Tomas Morato Avenue sa Quezon City.

Kinumpiska ng mga tao nitong si Col. Ang ang mga ebidensiya umanong cocaine, ang gamit na sasakyan ng magsyota, pati na ang perang nagkakahalaga ng P14,000 na nasa loob ng wallet ng lalaki at mga cellphone  bago dinala sa loob ng tanggapan ng QCPD-DAID na nasa loob ng Kampo Karingal sa lungsod Quezon.

Agad na ipinaalam ng mga gahamang tao ni Col. Ang ang pagkakaaresto ng  magsyota sa kani-kanilang mga magulang kung saan ay hiningian umano ng 3 mansanas ang mga magulang ng lalaki.

Dahil may kaya naman ang pamilya ng lalaki ay nakipagtawaran ito sa mga tao ni Col. Ang kung saan ay nagkasundong magbibigay ng halagang P2 milyon para  ma-release at hindi na makasuhan pa ang dalawa.

Ang masakit nito, nang maibigay at mahawakan ang dalawang mansanas ng mga tao ni Col. Ang, ay ang lalaki lang ang pinalaya at naiwan ang babae.

Walang nagawa ang lalaki nang hindi palabasin ang kanyang  girlfriend kundi  ipaalam sa mga magulang ng babae ang nangyari sa kanilang anak.

Dali-daling nagtungo sa tanggapan ng QCPD-DAID ang mga magulang ng babae at pagdating nila sa opisina ng QCPD-DAID ay kinausap at dinala nitong si PO3 Jovert Garcia, ang mga magulang ng babae sa loob ng kanilang barracks kung saan ay hiningian daw ang mga ito ng kalahating milyong piso para makalabas ang dalaga.

Katulad ng dati ay nagkatawaran na naman, hanggang sa pumayag umano itong si Garcia sa halagang P150,000 mula sa kalahating milyong piso kapalit ng kalayaan nang binihag nilang dalaga. (ITUTULOY)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply