2 bangkay ng sundalo 2 iba pa, narekober sa Maguindanao

NAREKOBER ng awtoridad ang apat na bangkay ng kalalakihan kabilang ang dalawang sundalong dinukot kamakailan ng armadong Moro rebel group sa Maguindanao nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng military kaninang umaga.

Sinabi ni Lt. Col. Kit Teofilo ng Philippine Army’s 68th Infantry Battalion ng Office of the Army Public Affairs, na ang mga bangkay ay kina Private First Class Dunhill Aragon at Private First Class Henry Caunga.

Kabilang din sa mga natagpuan sa tabi ng bangkay ng mga sundalo ay ang dalawang hindi nakikilalang bangkay ng lalaki.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang mga bangkay sa Isulan-Cotabato highway sa Shariff Aguak town. Dinala ang mga bangkay sa Piad Funeral Homes sa Sultan Kudarat, pahayag pa ni Teofilo

“The face of one soldier was mangled beyond recognition before he was shot in the head. The other had torture marks all over his body including hack wounds. It was a horrible crime committed by heartless individuals,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Teofilo na binabaybay ng naturang mga sundalo ang lugar sakay sa kanilang mototsiklo at patungo sa Cotabato City noong nakaraang Lunes nang harangin ng mga armadong kalalakihan na kasapi sa Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).

Isa pang sundalo na kinidnap din ng BIFM, na kinilalang si Sergeant Sonny Estabillo, ang nananatiling nawawala at hinahanap pa sa kasalukyan ng awtoridad.

Ang BIFM, na dating Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, ay isang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pinamumunuan ni Ameril Umbra Kato. MAyroon si Kato ng standing warrants sa kasong murder at arson sanhi ng kanyang pagkakasangkot sa pagpatay sa may 40 katao sa North Cotabato at Lanao del Norte noong 2008.

Sa kasalukuyan, ang MILF ay nakikipag-negosasyon sa gobyerno para sa usaping pangkapayapaan. Sinabi naman kaninang umaga rin ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na ang pagatake ng BIFM ay “will not affect substantial gains” in the peace talks.

Nito lamang nakaraang Linggo, may 6 katai\o ang sugatan sa naganap na bakbakan sa pagitan ng Army troops at ng BIFM.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply