2 building contractors, kinasuhan ng tax evasion

IPINAGHARAP  ng kasong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice  (DOJ) ang dalawang building contractors na Hoksing Builders at Togado Builders.

Ang mga kinasuhan  ay ang may-ari ng Hoksing Builders na si Rommel Salva Ynion  ng Las Piñas City nang paglabag sa Sections 254 and 255  ng National Internal Revenue Code, o tangkang pag-iwas sa pagbabayad ng buwis at kabiguang magsumite sa BIR ng tamang value added tax returns.

Base sa isinagawang imbestigasyon  ng BIR,  tumanggap ng kabayarang P296-M ang Hoksing Builders mula sa kanyang  buyers mula  2006 hanggang  2010 ngunit idineklara lamang na P221-M para sa naturang petsa.

Umaabot naman sa P84.88–M ang hindi binayarang buwis ni Ynion kasama na rito ang surcharge at ang deficiency income tax na P57.73-M habang ang deficiency value added tax  ay P27.14-M.

Habang  ang Togado Builders at may-ari na si Jose Edmund J.Togado ng Bacolod City   ay hindi naman nagdeklara ng tunay na kita.

Sa record ng BIR, kumita si Togado ng P4.75-M noong 2007; P3.39-M noong 2008; at P5.45-M noong 2009 subalit idineklara lamang ni Togado na kumita siya ng P323,240 noong  2007; P420,950  noong 2008 at  P469,270 noong 2009.

Batay naman sa naging kalkulasyon ng BIR,  umaabot sa P12.16-M ang tax deficiency ni Togado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply