2 drug den sinalakay sa Isabela: 9 tiklo

SIYAM katao ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkasunod na pagsalakay sa dalawang drug den sa Santiago City, Isabela.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang pagsalakay ay isinagawa sa bisa ng apat na search warrant para sa apat na bahay ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2), National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Purok 3, Barangay Mabini, Santiago City bandang alas-7:00 ng umaga noong Miyerkules.

Kabilang sa inaresto ang dalawang maintainers/operators na kinilalang sina Rowena Castelo; Salvador Maderazo, alias Utoy, at Teresa Maderazo.

Habang ang anim na iba pa ay kinilalang sina Perlita Balbuena, Rosalyn Montoya, Eugenio de Leon, Reynald Pira, Ron Anthony Pira at Einnor Pira.

Ayon kay Gutierrez, ang mga nahuling sina Salvador Maderazo, Perlita Balbuena at Eugenio de Leon ay kabilang sa listahan ng PDEA Provincial Order of Battle.

Nakuha sa isinagawang pagsalakay ang may 22 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalias.

Kinasuhan ng paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Den), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Paraphernalia), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Rowena Castelo, Salvador Maderazo at Teresa Maderazo. Habang si Eugenio de Leon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs).

Kasong paglabag naman sa Section 11 at Section 12 ang kinakaharap nina Perlita Balbuena at Rosalyn Montoya habang kasong paglabag sa Sec. 7 ang isinampa laban kina Reynald Pira, Ron Anthony Pira at Einnor Pira.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply