2 empleyado ng BI na sangkot sa pagtakas ng Reyes brothers, sinuspinde

PINAWI ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang pangamba ng pamilya Ortega sa posibleng whitewash sa kaso ng dalawang empleyado ng Bureau of Immigration na hinihinalang nagpataks sa wanted supek na sina dating Palawan Governor Joel Reyes at Coron mayor Mario Reyes Jr.

Wala umano ito sa bokabularyo ni David at sa ngayon, suspendido na ang dalawang empleyado ng BI na sina Rodelio Udarde at Wesley Gutierrez na sinasabing kaibigan ng abogado ng mga Reyes na si Atty. Hermie Aban.

Tiniyak ni David na agad nilang sisibakin ang lahat ng matutukoy na may kaugnayan sa pagpapatakas sa dalawang wanted person at pagsasampa ng kaso sa kanilang mga paglabag.

Emosyunal sa pagkagalit ang pamilyang naulila ni Dr. Gerry Ortega, ang envirionmentalist at broadcaster na pinatay noong Enero 2011, matapos makumpirmang nakalabas na sa Pinas ang mga akusado sa krimen.

Una rito, nabigla ang pamilya sa naging pagbubunyag nina dating Solicitor General Francisco Chavez at Sandra Cam ng Whistleblowers Association of the Philippines (WBAP) na tinulungan pa ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawa para makatakas.

Sa ngayon, may patong na umano sa ulong mahigit P1 million ang dalawang akusado matapos taasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang reward money para sa tinaguriang top five fugitives na sina Gen. Jovito Palparan, Rep. Ruben Ecleo, Globe Asiatique CEO Delfin Lee at magkapatid na Reyes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply