2 holdaper tiklo sa Caloocan

KULONG ang dalawang holdaper nang biktimahin ang isang estudyanteng kalugar habang ang huli ay naglalakad sa Caloocan City kagabi, Agosto 24.

Nakilala ang mga suspek na sina Jeffrey Tabangcura, 22 at Michael Fojas, 20 kapwa ng San Roque, Tala ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Mervin Laurio, 20, malapit sa kanilang bahay sa Rosal St., San Lazaro, Tala nang lapitan at tutukan ng icepick ng mga suspek.

Kinuha ng mga suspek ang cellphone at bag ng biktima na may laman na mga libro at ilang papeles sa eskuwelahan bago nagsitakas.

Nagsumbong naman sa mga barangay tanod ang biktima at hinabol hanggang madakip ang mga suspek.

Naibalik pa ang bag ng biktima ngunit wala na ang cellphone.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply