2 holdaper, todas sa parak

TODAS ang dalawang hinihinalang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis-Maynila sa isang holdapan kaninang madaling araw sa Tondo lungsod ng Maynila.

Ayon sa report ng Manila Police District, ang mga nasawing mga holdaper ay nakilalang sina Nino Absilon at Jojo Gardova.

Base sa inisyal na ulat ng pulisya, isang lalaki na ang tinangka umanong holdapin ng dalawa ngunit maagap na nakahingi ng saklolo ang biktima kaya agad namang nakapagresponde ang mga awtoridad.

Narekober sa mga suspek ang kalibre .38 baril na ginamit sa panghoholdap.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply