2 miyembro ng HPG patay sa shootout

DALAWANG tauhan ng PNP-Highway Patrol Group ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang paulanan ng bala ng mga hindi nakilalang lalaki sa Cotabato City.

Kinilala ang mga namatay na sina PO3 Rufino Sumugat at PO1 Raul Pablo habang sugatan si SPO2 Ponciano Pahkiat.

Ayon kay Police Regional Office 12 director, Senior Superintendent Cornelio Salinas, alas-9:20 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng national highway sa Sitio Patulangon sa Barangay Malasila sa naturang lungsod.

Nabatid na hinarang sa checkpoint ng mga tauhan ng HPG ang kulay gray na Kia bongo na may plate number JEJ224 patungong Kidapawan City subalit sa halip na huminto ay pinaulanan ng bala ng mga sakay nito ang mga pulis.

Tumakas ang mga salarin matapos ang insidente subalit iniwan ang kanilang sasakyan.

Patuloy ang pursuit operations ng mga awtoridad laban sa mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply