2 Indonesian barge sumadsad sa Pangasinan

TINIYAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi magdudulot ng oil spill ang dalawang barge na sumadsad sa karagatan ng Agno, Pangasinan dahil wala naman itong kargang langis.

Ang nasabing mga barko ay maari umanong nakarehistro sa bansang Indonesia base na rin sa mga marking nakita sa gilid nito.

Ayon sa PCG, tinangka nang hilain ang barge ng isang tugboat ngunit hindi rin nito nakayanan ay humiwalay din dahil na rin sa malalaks na hampas ng alon bunsod ng sama ng panahon.

Bineberipika na rin ng mga awtoridad ang alarma na may dalawang barge na pinirata sa Indonesia na kahalintulad ng sumasadsad sa Agno, Pangasinan.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply