2 kasong graft isinampa vs Jun Lozada

DALAWANG kasong graft ang isinampa sa Sandiganbayn laban sa whistleblower na si Rodolfo Noel “Jun” Lozada kaugnay sa 328 million-peso broadband project ng National Broadband Network (NBN) at Zhing Xing Telecommunications Equipemnt (ZTE).

Sa unang kaso, nakitaan na may “conflict of interest” umano ang lupain na tumatayong Presidente at Chief Executive Officer ng Philippine Forest Corporation (Philforest) noong 2007 si Lozada sa tulong ng kanyang kapatid na si Jose Orlando.

Kahina-hinala ang transaksyon sa 6.59 ektaryang lupa na pinamumunuan nito simula noong Disyembre 18 2009 sa ilalim ng Lupang Hinirang program ng Philforest.

Nabatid na ang lupa ay para sa pagtatanim ng Jatropha na isang alternatibong uri ng petrolyo.

Pangalawang Graft case ni Lozada ang leasehold rights ng isang hindi pa kilalalang lupa ng Transforma Quinta Inc na pagmamay-ari niya at ng kanyang asawang si Maria Violeta.

Paliwanag ng Ombudsman, may sapat na dokumentong hawak ang kanilang hanay upang iakyat ang kaso ni Lozada sa Sandiganbayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply