2 kelot tepok sa boga sa Pasay City

PATAY ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng isang armadong lalaki kagabi sa Pasay City.

Unang binawian ng buhay sa Pasay City General Hospital si Rexford Fallore, 30, buko vendor, ng Edang St., at Moises Romero, 37,  ng 143 Virata St., Brgy. 155 Zone-16 Pasay City na namatay rin sa San Juan de Dios Hospital dahil sa mga tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.

Nabatid sa imbestigasyon ni SPO2 Chris Gabutin na naganap ang insidente dakong 8:30 kagabi sa Edang St., naturang lungsod.

Napag-alaman na kasama ng biktima ang kanyang ama na si Roman Bosa, 51, sakay ng trisikad na minamaneho ni Elezardo Paasa upang maghatid ng paninda nang makarinig ng malakas na sigaw.

Hindi ito pinansin ng biktima bagkus nagtuloy pa rin sila sa kanilang pupuntahan na ikinagalit ng suspek na si Lemuel Castillo, 41, ng 360 Edang st. na kargado ng baril na kalibre 45 at  kinompronta ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Agad na binaril ng suspek sa ulo ang biktima, bagama’t sugatan, tinangka pa nitong agawin ang baril na hawak ng suspek pero sa kasamaang palad ay pumutok ang baril at tinamaan ang pangalawang bikitima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply