2 lumutang na hazing victim ayaw tumestigo

KAHIT lumutang ang dalawang biktima ng fraternity hazing sa Cavite na ikinamatay ng isang San Beda student para magbigay ng kanilang sinumpaang salaysay, hindi naman sila interesadong tumayong maging saksi o complainants.

Sinabi ni Cavite provincial police director Senior Superintendent John Bulalacao na hindi na niya isinumite pa ang sworn statements ng dalawang testigo sa prosecutor’s office sapagkat nakasaad dito na “our commitment [the two victim] will neither be treated as complainants or witnesses.”

Gayunman, sinabi ni Bulalacao na ang dalawa ring law students na sina Ephraim Daniel Lara at Christopher Ryan Maranan – kapwa 21-anyos ay boluntaryong nagbigay ng kanilang pahayag at ang kanilang testimonya ay magagamit sa korte.

Sinabi rin ni Bulalacao na sinabi ng dalawa sa pulisya na matapos ang pagkamatay ni Marc Andre Marcos nitong nakaraang Lunes, hindi sila pinayagang umuwi at maging ang iba pang neophytes na sumailalim din sa initiation hanggang noong Biyernes.

Tulad ni Marcos, hindi rin alam ng mga magulang nina Lara at Maranan at guardians na nag-aplay sila sa Lex Leonum Fraternitas at isasailalim sa initiation rites.

Nilinaw din ni Bulalacao na imbes 19 estudyante na sinasabing sumailalim sa hazing noong Hulyo 29, na naunang iniulat, siyam lamang ang bilang base na rin sa pahayag nina Lara at Maranan.

Lumutang ang dalawang neophytes bilang pruweba na sila ay biktima rin at hindi suspek, sa inisyal na kahilingan ng anonymous letter na ipinadala sa Marcos’ family at sa pulisya.

Sa nauna pang ulat, sinabi ni Bulalacao na naikuwento nina Lara at Maranan ang nangyari sa sinasabing hazing sa pulisya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply