2 mangingisda pinaghahanap ng PCG

PINAGHAHANAP ngayon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang mangingisda na nawawala sa Bicol region.

Ayon sa PCG, nakilala ang mga mangingisda na sina Rodolfo Tayas at Winifredo Tohon kapwa taga-Purok 5 Barangay Parang ,Jose Panganiban sa nasabing probinsya..

Sa nakarating na report sa PCG, Agosto 13 pa pumalaot ang dalawa ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababalik sa kanilang pamilya.

Nagsagawa naman ng search operation ang Coast Guard kung saan pinaniniwalaang posibleng nagkaaberya ang mga ito sa karagatan bunsod ng sama ng panahon dulot ng bagyong Helen.

Hindi naman nagkulang sa paalala ang PCG na pagbawalan munang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat subalit nangahas pa rin ang dalawa na maglayag upang makapangisda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply