9 patay sa salpukan ng 2 military choppers sa India

TODAS sa malagim na trahedya ang siyam na sundalo nang magsapulkan sa ere ang dalawang Indian air force helicopter sa kanlurang bahagi ng India kaninang umaga.

Base sa ulat, nasa routine flight ang dalawang helicopter nang mangyari ang aksidente sa bahagi ng Gujarat state.

Inaalam na ngayon ng awtoridad ang sanhi na pagbagsak ng dalawang military chopper at unang sinisilip ay nagbanggaan ang dalawang helicopters habang nasa ere.

“A mid-air collision could be one of the causes. But an inquiry has been ordered to investigate,” pahayag ni air force spokesman Gerard Galway.

Hindi naman nabanggit sa ulat kung may nakaligtas sa malagim na trahedya o ang pawang sakay na mga sundalo ng dalawang chopper ay namatay lahat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply