2 motorsiklo inararo ng trak: 4 sekyu sugatan

APAT na security guard ang sugatan makaraang araruhin ng trak ang sinasakyang dalawang motorsiklo ng mga biktima sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Tandang Sora, Quezon City.

Base sa isinagawang imbestigasyon, red light na ang signal ng trapiko ngunit pinaharurot pa rin ng driver ng trak (RHA 836) ang kanyang sasakyan dahilan upang maararo at pumailalim ang motor ng mga biktima.

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa ulo, maging sa katawan ang mga biktima na nakilalang sina Eduardito Alinsagay, Richard Balicao, Winston Patularin at isang alyas Bangkaw na kasalukuyang nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center.

Samantala, pinaghahanap naman ngayon ng awtoridad ang driver ng trak na tumakas matapos ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply