2 nakuryente sa paglusong sa baha

NAKURYENTE ang dalawang katao sa lungsod ng Maynila habang tumatawid sa bahang kalsada kaninang umaga.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief Inspector Erwin Margarejo, agad namang naisugod sa ospital ang dalawang biktima na hindi pa napangalan.

Sa ngayon, anang tagapagsalitan ng MPD, ay nakatutok sila sa mga apektadong lugar o residente ng lungsod ng Maynila partikular na sa mga humihingi ng saklolo bunsod ng pagbaha dulot ng habagat.

Sinabi ni Margarejo na patuloy ang kanilang monitoring at pagbabantay anumang oras na kailangananin nang ilikas ang mga residente.

May 1,600 indibidwal na rin, aniya, ang naililikas mula sa Baseco area.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply