2 nawawalang mangingisda, patuloy na pinaghahanap

PATULOY ang isinasagawang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalawang mangingisda na nawawala sa Ilocos Sur.

Ayon kay Lt. Commander Armand Balilo, mula nang  pumalaot  ang mangingisdang  sina Edgardo Barrey, 42; at  Jerric Barrey, 17;  noong lunes sa karagatang sakop ng  Barangay Apatot, San Esteban, Ilocos Sur, ay hindi na sila nakauwi pa ng kanilang bahay.

Nilinaw naman ni Balilio   na hindi agad  nakapagsagawa ng search and rescue operation ang Coast  Guard Station-Salomague dahil na rin sa masamang lagay ng panahon.

Gayunman, nagpalabas naman ang PCG ng notice   to mariners o sa lahat ng mga naglalayag at sa mga coastal barangay hinggil sa nawawalang kulay green na bangka na may markang ‘Jorros,’  na tulungan at sagipin sakaling mamataan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply