2 NBI agent nagbarilan dahil sa preso, 1 patay

PATAY ang isang ahente ng National Bureau of Investigation, habang sugatan naman ang nakabarilan niyang kasamahan makaraang magtalo dahil sa ipapasok na preso, kaninang madaling-araw sa loob ng NBI Compound sa Ermita, Maynila.

Dead on arrival sa Philippine General Hospital si Special Investigator (SI) III Honorato Ocampo, dahil sa tama bala sa kanang kili-kili na tumagos pa sa kaliwang kili-kili.

Ginagamot naman sa Medical Center Manila (MCM) ang nakabarilan niya na si SI Oscar Cabebe, Jail Officer ng NBI at tubong Ilocos Sur,  may tama ng bala sa kanang paa at kaliwang kamay.

Ayon sa nakuhang report mula sa Manila Police District –Police Station 5 na ginawa ni P/Insp. Antonio Sumagpang, alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Jail Section ng nasabing ahensya.

Nauna rito, dumating si SI Ocampo sa Jail Section ng NBI upang mag-turn-over ng naarestong tao sa jail guard pero  tinanggihan ito ni SI Cabebe dahil sa  kakulangan ng  dokumento.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa hanggang sa nauwi sa barilan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply