2 parak patay, 3 sugatan sa pananambang

PATAY ang dalawang pulis at tatlo naman ang nasugatan makaraang tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army sa Makilala, North Cotabato, 9:30 ng umaga nitong Huwebes.

Nakilala ang mga nasawi na sina PO1 Raul Pablo at PO3 Rufino Sumugat, kapwa miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police.

Sugatan naman sina PO2 Ponciano Pakhiat, miyembro ng HPG, at ang dalawang sibilyang sina Jeremias Ranon, Jr. at Policarpio Villarica.

Nabatid na nagsagawa ng highway patrol operation ang HPG-Cotabato Huwebes ng umaga nang dumating ang mga rebelde sakay ng isang kotse.

Napag-alaman pang dalawa sa mga umatake ay mga babae  kung saan armado ang mga ito ng de-kalibreng armas.

Dahil sa dami ng mga lumusob na rebelde ay nasukol ang mga pulis kahit nakaganti pa ang mga ito ng putok.

Kinuha ng mga NPA ang tatlong armas ng mga pulis, kabilang na ang dalawang Armalite rifle at caliber-19mm pistol.

Nadamay lamang ang dalawang sibilyang nakasakay sa motorsiklo na pinahinto ng mga pulis para sa  inspection.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply