2 patay, 1 kritikal sa pamamaril sa Caloocan

PATAY ang dalawang magkapitbahay habang kritikal ang isa pa nang pagbabarilin ng tatlong kalugar matapos pagbinatangan na ang mga una ang nambabato sa bahay ng isa sa mga huli habang nag-iinuman sa Caloocan City kagabi.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Teopilo Pael, 40 ng Robis 1, Camarin ng lungsod.

Dead on arrival naman sa Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Raymond Bonita, 17 ng Excess Lot, Bagong Silang.

Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center si Carl John Pael, 19 ng Phase 4, Bagong Silang ng lungsod, matapos sanhi magtamo ng tama ng bala sa katawan

Arestado naman si June Caisip, 14 ng Phase 8-A habang nakatakas ang mga kasama nito na sina Ronnie Castillo, 20 ng Phase 4 kapwa ng Bagong Silang at isang alyas Rodel.

Sa ulat, dakong alas-11:15 ng gabi, nag-iinuman ang mga suspek sa bahay ni Castillo nang may bumato umano sa bubong.

Naglabasan ang mga suspek at nang makita ang mga biktima na inakalang nambato ay walang salitang pinaulanan ang mga ito ng bala.

Matapos ang insidente ay isinugod sa mga nasabing ospital ang mga biktima habang nadakip naman si Caisip ng mga pulis.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply