2 patay, 5 sugatan sa ratratan sa Caloocan

PATAY ang dalawang magkapitbahay habang sugatan ang lima pa nang pagbabarilin ng limang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng tatlong motorsiklo sa Caloocan City Linggo ng gabi, Agosto 5.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Abraham King, 36, ng Dau St., at Jayson Martin, 26, ng Supa St., kapwa ng Amparo Village, nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan sina Flordiliza Entico, 37; Jomar Angeles, 35; Jayson Roda, 25; Richard John Ramos, 14 at Marvin Banayag, 32, pawang ng Anahaw St., nasabing lugar.

Base sa ulat, alas-9:45 kagabi, nasa tapat ng kanilang bahay si King nang pagbabarilin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek at nang makita ang iba pang biktima ay pinagbabarilin din bago tuluyang tumakas sakay ng tatlong motorsiklong hindi na nakuha ang mga plaka habang dinala naman ang mga biktima sa mga nasabing pagamutan.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis upang makilala ang mga suspek at motibo ng pamamaril.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply