2 rebelde arestado sa Sorsogon

ARESTADO ng operating troops ng Philippine Army (PA) ang dalawang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa may kabundukan ng Barangay Abad Santos sa bayan ng Bulan sa Sorsogon.

Hinuli ang dalawang NPA makaraan ang maiksing sagupaan sa pagitan ng mga sundalong Army at pulis laban sa rebeldeng grupo.

Nabatid na ipinadala ang isang grupo ng sundalo at pulis upang lutasin ang reklamo ng mga sibilyan bunsod sa extortion activities ng NPA sa lugar.

Nakilala ang dalawang naarestong pinaniniwalaang miyembro ng NPA sina Alex Grando, 24-anyos a.k.a. Monique at Florence Galos a.k.a. Audrey, narekober mula sa kanilang posesyon isang Cal 5.56mm, M16 A1 rifle at isang 9mm semi-automatic pistol.

Kasalukuyang nasa Bulan Police Station at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang dalawang miyembro ng NPA na posibleng sampahan ng kasong illegal possession of firearms, explosives at extortion.

Walang naiulat na casualty sa panig ng gobyerno subalit pinaniniwalaang marami ang sa NPA dahil sa mga nakitang bakas ng dugo sa lugar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply