2 traffic enforcer kritikal sa trike driver

KRITIKAL ngayon ang kondisyon ng dalawang miyembro ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management ng Caloocan City Hall matapos makasalpukan ang trike driver nang pumasok sa one way ang huli sa Caloocan City kaninang umaga.

Inoobserbahan sa Orthopedic Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina Joseph Diroy at Michael Aquino, kapwa nasa hustong gulang ng lungsod.

Nadakip naman si Ronaldo Suba, nasa hustong gulang ng 7th Avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga, magka-angkas ang mga biktima sa single na motorsiklo at habang binabagtas ang 7th Avevue ay sumulpot papasok sa one way ang tricycle at nagganap ang banggaan.

Sa lakas ng pagkakabangga, ay tumilapon ang mga biktima na agad na dinala sa nasabing ospital habang nadakip naman ng mga pulis ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply