200 kilo ng botcha nasabat sa Maynila

NASAMSAM ng awtoridad ang may 200 kilos ng karneng “botcha” (tainted meat) sa isang tricycle na magde-deliver sana sa Maynila kagabi.

Ayon sa report sa radio kaninang umaga, dalawang lalaki ang naaresto ng awtoridad na magdedeliber sana ng mga naturang karne habang ang isa pang kasamahan ng mga ito ay nakatakas.

Iniulat naman ni Dr. Joey Diaz ng Manila Veterinary Office na nasakote ang mga suspek sa Barangay 42 Zone 3 sa Moriones, Tondo.

Nakilala ang mga naaresto na sina Roberto Cornelio at Freddie Melgar kung saan nasamsam sa mga ito ang ilang sako na naglalaman ng karneng botcha.

Itinanggi naman ng mga suspek ang mga naturang karne at sinabi na hindi nila alam na karneng botcha pala ang kanilang ide-deliver. Inutusan lamang umano sila na dalhin ito sa Wagas St. sa Moriones.

Samantala, nagbabala naman ang mga health authority na darami pa ang mga magtitinda ng karneng botcha dahil papasok na ang “ber” months.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply