200 pasahero nailigtas sa sumadsad na barko sa Leyte

NAILIGTAS ng Philippine Coast Guard (PCG) ang halos 200 pasahero ng isang barko na sumadsad sa karagatang sakop ng lalawigan ng Leyte.

Ayon sa ulat na nakarating sa PCG, sakay ng MN Super Shuttle ferry 15 ang mga pasahero nang sumadsad lagabi sa baybayin ng bayan ng Medrida.

Nabatid na galing ang barko sa Cebu City at patungong Ormoc City nang magkaaberya ang engine nito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng PCG nang matanggap ang impormasyon hinggil sa insidente at mabilis na nasaklolohan ang mga pasahero.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply