2012 PBA Governors Cup’ Finals bukas na

“RAIN rain go away, come again another day”

Dalawang beses naudlot ang Rain or Shine Elasto Painters matapos ipinta ang 3-1 bentahe sa kanilang best-of-seven series laban sa B-Meg Llamados.

Malalaman bukas ng gabi kung bubuhos na ang ulan para sa Elasto Painters upang yakapin ang kanilang unang kampeonato sa Game 7 ng 2012 PBA Governors’ Cup Finals sa Big Dome.

Nakapuwersa ng death match ang Llamados matapos ang 97-81 panalo sa Game 6 kagabi kung saan ay naging mainit ang labanan dahilan upang magkaroon ng bahagyang komosyon at palitan ng maaanghang na salita sa pagitan ng players at team officials.

“Na-delay lang ulit.” saad ni RoS head coach Yeng Guiao.

Muntik ng mag pang-abot sina B-Meg manager Alvin Patrimonio at Beau Belga ng RoS at injured Joe Devance ng B-Meg at Elasto Painter import Jamelle Cornley habang naglalakad papunta sa kani-kanilang dug-out pagkatapos ng laro.

Sa kalagitnaan ng laro ay nagkasagutan na sina Patrimonio at Belga pagkatapos ng hard foul ng huli kay Simon.

Kumana si two-time MVP James Yap ng 20 puntos at 9 na rebounds upang bitbitin ang Llamados sa ikalawang sunod na Finals do-or-die game.

Bumakas ‘di si import Marcus Blakely ng 19 points habang sina PJ Simon at Jonas Villanueva ay may 16 at 11 markers ayon sa pagkakasunod.

Sanay na sanay na sa ganitong labanan ang Llamados dahil sa huli nilang kampeonato ay napagdaanan na nila ito habang ang Elasto Painters ay una pa lang nilang salang sa Finals sapul ng pumasok sila sa liga anim na taon na ang nakalipas ayon sa mga PBA basketball analysts.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply