2012 Philippine International Motor Show: Drive the fun (2)

PINANINDIGAN ng CAMPI na talagang “It’s More Fun in the Philippines” matapos ang 4-day run ng 2012 Philippine International Motor Show noong nakaraang linggo.

Ngayong taon, umulan ng teasers mula sa mga manufacturers para sa mga brand new car models na maaari nilang ipasok sa lokal na merkado.

Pinangunahan ng Kia ang pang-aalaska sa mga bumisita sa kanilang pag display ng kanilang luxury sedan na KIA Quoris na kulay black sa kanilang all-white booth.  pa nila ito ng mga matitipunong lalaking models, na hindi kalimitang nakikita sa kahit anumang mga car show.

Hindi rin naman isang joke nang idisplay ng Universal Motors Corporation ang inaabangang crossover na Nissan Juke. Samantala, todo sa sorpresa naman ang Nissan Motors Philippines, kabilang na rito ang kanilang display ng sikat na sports coupe na Nissan 370z. Ito ang Philippine debut ng nasabing sports car at para lamang sa PIMS, inimbitahan pa ng NMPI ang isa sa mga designer nito na si Randy Rodriguez.

Si Rodriguez ang natatanging Filipino designer sa Nissan Design Center sa San Diego, California.

Small but terrible naman ang naging diskarte ng Suzuki Philippines sa kanilang paglunsad ng Suzuki S-concept.  Ang S-concept ay ang Sports edition ng patok na Suzuki Swift. Maging ang kanilang modelo ay pasok sa “konsepto” ng bagong Swift; on-display rin ang luxury sedan ng Suzuki na Kizashi.

Highly-successful naman ang paglunsad ng Mitsubishi Motors Philippines sa kanilang 2013 Mirage; ayon sa isang tala ng Mitsubishi, umabot na sa 80 ang nagpareserve ng yunit ng nasabing hatchback noong huling araw ng PIMS.  Nandun rin for test drive ang electric car ng Mitsubishi na i-Miev,na siyang natatanging unit ng nasabing electric car ngayon sa bansa.

Fresh pa mula sa kanilang paglunsad ng 1’M Blue Eco-Safe Driving campaign, ibinida naman ng Honda ang kanilang hybrid cars na Insight at CR-Z. Ang Insight ay ang model na naunang ginamitan ng Honda ng kanilang Eco-Assist System samantalang naintriga rin ang mga bisita sa Mugen accessorized na Honda CR-Z—ang unang hybrid car sa mundo na may 6-speed manual transmission. Meron din silang display ng Pinoy all-time favorite na Honda Civic na ginamitang ng Modulo accessories.

Hindi rin nagpahuli ang American brands gaya ng Jeep at Dodge, na idinisplay ang kanilang limited edition models, katulad nalang ng Jeep Wrangler Rubicon Unlimited “ Call of Duty” edition at ang Dodge Charger R/T Redline Concept.
Ibinida rin naman ng Isuzu ang kanilang best-selling models gaya ng 2013 Alterra Urban Cruiser, 2013 Sportivo X, at ang special edition na 2012 D-Max Boondock 4×4.

Ang mga luxury car fans naman ay hindi nadismaya sa display ng dalawa sa paboritong brands ng mga Pinoy, ang BMW at ang Mercedes Benz. Sporty ang dating ng BMW booth sa pangunguna ng kanilang Z4 Roadster habang ang Mercedes-Benz naman ay ibinida ang 3rd generation ng kanilang M-class models na mas pina-astig pa ng trademarked Mercedes-Benz AMG kit.

Marahil isa sa mga gumulantang sa mga bumisita ay ang dalawang bus na nakaparada sa likod ng exhibit hall: ang Daewoo BV115 at ang Daewoo BS106. Ayon sa isang representative ng Columbian Manufacturing Corp., ang mga bus ay mula sa kanilang Laguna plant kung saan ito inassemble. Nandun rin ang Orion mid-size SUV at Vigor pickup truck ng Dreamco Automobile Co. Inc. Ang Dreamco ay isa sa mga distributor ng Chinese cars sa Pilipinas.

Agaw-eksena naman Formula One display ng Shell Advance V-Power Nitro+ sa entrance ng World Trade Center.

Last but not the least ay ang number 1 car brand ngayon sa Philippine market— Toyota Motors Philippines. Back-to-back ang kanilang exhibit ng kanilang sister company na Lexus Manila Inc., na siya namang idinisplay ang isa sa mga exotic at inaasam-asam na sasakyan ng nakararami ngayon– ang P40-milyong pisong Lexus LFA. Hindi rin naman nagkamayaw ang mga bisita sa pagpapa picture sa superstars ng Toyota booth— ang TRD equipped Toyota Vios at Toyota Aero ’86.

Upang tunay na maranasan ng mga bisita ang temang “Drive the Fun”, isang Rally Adventure pamula WTC hanggang Thunderbirds Resort sa Rizal ang ibinukas ng mga organizers sa publiko noong ikatlong araw ng event; nagkaroon naman ng Rally Golf Cart challenge para sa mga naiwan sa WTC.

Alinsunod sa kampanya ng DOT na “It’s More Fun in the Philippines, umikot ang tema ng PIMS ngayong taong ito sa ideya na “Drive the Fun”.

Ayon sa presidente ng CAMPI na si Atty. Rommel Gutierrez, isa sa mga nilalayon ng kanilang samahan na maging ‘tourist attraction’ rin ang mga susunod pang Philippine International Motor Shows gaya ng international counterparts nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply