2012 Philippine International Motor Show: Drive the fun

(PART 1) BUKAS ang huling araw ng isa sa pinakamalaking car event dito sa bansa— ang 2012 Philippine International Motor Show (PIMS), na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay. Ang PIMS ay isang trade show at exhibit ng mga produkto ng mga kompanyang bumubuo sa CAMPI o Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc., at ng iba’t ibang after-market companies sa bansa.

Ginanap ang Opening Ceremonies noong nakaraang Huwebes, Agosto 16, kung saan sinabi ni CAMPI President at Toyota VP Atty. Rommel Gutierrez na ang automotive industry sa Pilipinas ay isang growth driver para sa ekonomiya ng bansa.

Aniya, noon lamang 2011 ay nakapagpasok ang kanilang sektor ng mga investments na nagkakahalaga ng 120 bilyong-piso, na nagbigay ng trabaho sa 400,00 na mga Pilipino. Dagdag rin niya, layunin ng CAMPI na maging isang major tourist attraction ang PIMS gaya ng sa Tokyo Motor Show ng Japan. Ang kanilang tema ngayong taong ito na “Drive the Fun” ay alinsunod sa kampanya ng Department of Tourism na “It’s More Fun in the Philippines.”

Magmula noong Huwebes, iba’t ibang activities at surprises na ang isinagawa ng mga exhibitors para sa mga dumalo. Nariyan ang launching ng mga bagong sasakyan gaya ng KIA Optima at ng kanilang Luxury Sedan na Quoris, ang Hybrid hatchback ng Honda Insight, at ang Asian debut ng Dodge Charger R/T Redline Concept.

Kanya-kanyang pakulo at gimik ang mga manufacturer sa kanilang booth. Maliban sa naggagandahang sasakyan at mga models, may pa-contest at surprise performances at guests pang inihanda ang mga manufacturer. Nariyan ang mini concert nina Gary Valenciano at Martin Nievera sa Toyota booth noong Huwebes at ang special guest appearance ng cosplayer at model na si Alodia Gosiengfiao sa Isuzu booth. Samantala, ang ikalawang palapag naman ng exhibit ng BMW ay isang gaming booth at ang Suzuki naman ay nagpapaulan ng freebies sa kanilang sunod-sunod na trivia games.

On-display rin ang sari-saring Die Cast cars collection ng iba’t ibang brands kasama ang photo exhibit ng kasaysayan ng mga car models.

***

Abangan ang Part 2 ng special feature ng Ronda Remate sa 4th Philippine International Motor Show sa susunod na Linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply