2012 Philippine Scooter Racing, rumaratsada!

MATATAPOS na ang unang bahagi ng taong 2012 at limang rounds na ang nakakalipas sa 2012 Philippine Scooter Racing.

Si Juver Mirasol ang nangunguna sa 130cc Automatic Class sa iskor niyang 85 pts. Sa ikalawang pwesto naman ay si Vrei-AR Suba na may 75 points at sa ikatlong pwesto ay si Jeffrey Roland Tria na may 73 points.

Close to perfect naman ang iskor ni Niko Montano na nangunguna sa 150cc Automatic na may 95 points habang sa ikalawang pwesto naman ay si Marvin Marquez na may 75 points. 13 points naman ang namagitan kay Marquez at sa 3rd placer na si Romer Corbe na may 62 points.

Pinangungunahan pa rin ni Montano ang 180cc Automatic class sa iskor niyang 94 points habang sa ikalawang pwesto naman ay si Arlan Dela Cruz na may 85 points. Kinumpleto ni Benjo Mendoza ang top 3 spots sa iskor niyang 70 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply