2012 World Cup of Pool sasargo sa Setyembre: Pinoy cue artists sanib-pwersa

SASARGO na ang 2012 World Cup of Fool na gaganapin dito sa bansa sa Setyembre 4 hanggang 9.

Sanib-pwersa sina Pinoy billiards stars Dennis “Robocop” Orcollo at Lee Vann Corteza para sa Team A Pilipinas, habang Team B Pilipinas naman ang mga batikang Pinoy cue artist na sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante.

Magugunitang kapwa natalo sina Orcollo-Ronnie “The Volcano” Alcano at Reyes-Bustamante noong nakaraang taon.

Ngayon, sisikapin ng mga Pinoy na masungkit ang kampeonato ng nasabing torneyo upang maitaas muli ang bandila ng Pinas at maibulsa ang $60,000 premyo.

Taong 2006 nang magwagi ang team Reyes-Bustamante sa nasabing torneyo na ginanap sa Newport, England kung saan pinataob nila ang tandem nina Earl Strickland at Rodney Morris ng Estados Unidos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply