2013 budget approve by October – Belmonte

SINIGURO ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na maaaprubahan sa itinakdang panahon ang P2 trilyon na General Appropriations Bill para sa 2013.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Belmonte sa gitna ng ilang araw na pagkakansela ng sesyon ng Kongreso dahil sa ilang araw na pagbaha sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay Belmonte, ginagawa lahat ng chairman ng House Committee on Appropriations na si Cavite Rep.Joseph Emilio Abaya na gawin ang mandato nito at siguruhing hindi malilihis o mapupurnada ang dinidinig na budget sa 2013.

“The budget deliberations continue and I can assure that we are going to pass this on time despite the series of holidays and postponement of work in the government as an offshoot of massive flooding. The panel headed by Congressman Abaya is committed to pass it as scheduled and has been relentless in conducting its deliberations to make up for lost time,” ayon kay Belmonte.

Gaya ng naunang pagtiyak ng liderato ng Kamara, aaprubahan ng komite ang 2013 GAB sa Oktubre upang may sapat na panahon si Pangulong Aquino na malagdaan ito sa Disyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply