215 metro cops sumailalim sa SCOUT training

SUMAILALIM sa binagong “Special Counter Operation Unit Training” o SCOUT ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang may 215 bilang ng kapulisan sa Metro Manila para sa class 2012-02 “Banwar” sa katatapos na seremonyang ginanap noong Huwebes sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong-Diwa, Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ni PDir. Allan Madrid Purisima, sinabi nito na maraming karagdagang pagsasanay ang natutunan ng mga nagsipaglahok kabilang na ang counter insurgency training, dokrtina at mga angkop na pamamaraan kung paano matutugunan ng kapulisan ang dagliang panawagan ng mga mamamayan tulad ng pagsagip ng buhay sanhi ng sakuna o banta ng panganib.

Inilatag din sa kaisipan ng mga nagsipaglahok na kapulisan ang doktrina ng pagkakaisa tungo sa isang makabuluhang layunin alinsunod na rin sa sinumpaan nitong tungkulin sa bayan.

Ang SCOUT ayon sa hepe ng NCRPO ay isang uri ng pagsasanay na itinuturo at isinasagawa sa mga bulubundukin at malalayong lugar na kailangan para sa isang military-related operations.

Bukod sa pagmamantini ng peace and order sa kalakhang Maynila, tiniyak pa ni Purisima na handa ang kapulisan sa pagganap ng kanilang mga tungkulin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply