22 botika sa Iloilo nabukong nagbebenta ng overpriced na gamot

NADISKUBRE ng Department of Health (DOH) ang tinatayang may 22 botika sa Iloilo na umano’y nagtitinda ng mga overpriced na gamot.

Base sa pahayag ng DOH Western Visayas, mas mataas ng 50 sentimos hanggang P3 ang ibinebentang gamot kumpara sa maximum drug retail price ng mga ito.

Bunsod nito, ipinatawag na ng DOH ang mga may-ari ng naturang mga botika.

Maaaring pagmultahin ang mga operator ng mga naturang botika at maaari ring maipasara ang kanilang operasyon.

Nagpaalala ang DOH sa mga consumer na tingnan ang government mediated access price ng mga binibiling gamot upang mabatid kung standard ang presyo ng gamot na kanilang binibili.

Dagdag pa ng DOH, laging humingi ng resibo upang makapagsampa ng reklamo kung may katiwalian mang ginagawa ang pinagbibilhang botika.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply