24 na patay sa bakbakan ng BIFF, militar

HINDI tatantanan ng Philippine Army ang mga tinutugis na lawless member ng Bangsa Moro Islamic Freedom Fighter (BIFF) na breakaway faction ng Moro Islamic Liberation Front, ayon sa militar.

Ayon kay  Army Col. Mayoralgo  Dela Cruz, 1st  Mechanized Brigade commander,  matapos nilang mabawi at maitaboy sa kabundukan ang grupo ng BIFF na nakikimsimpatiya kay Ameril Umbra Kato na nagsagawa ng magkakasabay na pagsalakay sa Maguindanao ay patuloy ang kanilang isinasagawang pagtugis.

Sinasabing umabot  sa 24 ang bilang ng mga nasasawi sa nagpapatuloy na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at BIFF sa lalawigan ng Maguindanao makarang ukupahan ng nasabing lawless group ang Maguindanao-General Santos Highway.

Sa report na natanggap ni Col. Prudencio Asto, public affairs chief ng 6th Infantry Division, may limang tauhan ng pamahalaan ang napatay kabilang ang isang kagawad ng PNP-SAF habang may  11 naman sa mga ito ang sugatan.

Habang umabot sa 19 ang napaslang sa hanay  ng BIFF at marami pa sa mga ito ang
sugatan.

Sa ngayon, maririnig pa ang mga panaka-nakang putukan sa area ng Maguindanao bilang bahagi pa rin ng clearing operation ng military makaraang mabawi ang nasabing highway at muling buksan ito sa publiko.

Kabilang sa mga nasawi si police officer 1 Randy Dumaguing na napatay nitong Sabado bandang alas 2:00 ng madaling araw nang salakayin ang isang police outpost sa  Datu Unsay, Maguindanao.

Samantala, inihayag naman ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na umaabot na sa 33,000 katao ang lumikas sa takot na maipit sa labanan.

Nanatili pa rin umanong balakid ang peligrong mangyari sa isinasagawang relief operations  para sa displaced persons.

Nitong nakalipas na linggo ay magkasanib na tinawid nina Colonel Mayoralgo dela Cruz, commander  ng 1st Mechanized Infantry Brigade, at Senior Superintendent Marcelo Pintac, Maguindanao police chief ang isang section ng  highway sa Barangay Iginagampong, Meta at Maitumaeg, pawang nasa Datu Unsay  Maguindanao upang ipakitang bukas na sa trapiko ang nabangit na highway.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply