250 patay sa lindol sa Iran

UMAKYAT na sa 250 ang bilang ng namatay sa magkasunod na lindol na tumama sa hilagang kanluran ng Iran nitong Sabado.

Sinasabing tataas pa ang bilang ng mga biktima dahil marami pang naipit sa mga nagbagsakang bahay at mga gusali.

Ayon sa tala ng U.S. Geological Survey (USGS), naitala ang 6.4 magnitude sa unang lindol na tumama dakong alas-4:53 Sabado ng hapon (oras sa Iran), 37 milya hilagang silangan ng Tabriz at nag-iwan pa ng 11 aftershocks na sinundan ng isa pang lindol na may lakas na 6.3 magnitude, 30 milya hilagang silangan ng Tabriz.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply