26 pamilya sa Misamis Oriental apektado ng malalaking alon

TINATAYANG 26 na pamilya ang naapektuhan makaraang hampasin ng malalaki at malalakas na alon ang mga kabahayan sa bayan ng Magsaysay, Misamis Oriental.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Executive Director Teddy Sabugaa, panibagong 11 bahay ang hinampas ng storm surge na isa rito ay totally damaged habang ang 10 ay partially damaged sa Brgy. Sta. Cruz, nasabing bayan.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang pamahalaang lokal sa mga naapektuhang pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply