278 bagong kaso ng HIV/AIDS, naitala ng DOH

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Health (DOH) na may 278 bilang ng naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus/Acquired immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS).

Ayon kay DOH Spokesman Assec. Eric Tayag, ang naturang bilang ay mula lamang noong buwan ng Hulyo.

Kaya naman sa taong 2012 ay umakyat na sa kabuuang 1,878 ang naitalang nagpositibo sa nasabing nakamamatay na sakit.

Pumalo naman sa 2,349 ang kaso ng HIV/AIDS na nagmula sa ibat-ibang lugar sa bansa noong 2011.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply