2nd round ng oil price hike, ipinatupad

NAGPATUPAD na naman ng pagtaas sa presyo ng langis ng ilang oil comapanies ng ikalawang round ng big time oil price hike.

Epektibo kaninang 6:00 ng umaga, nagtaas ang Chevron at Pilipinas Shell ng presyo sa kanilang mga produkto maliban sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng state of calamity.

Nagdagdag ng P1.20 ang mga ito sa kada litro ng kanilang premium gasoline, P1.30 sa regular gasoline, P1.40 sa diesel at P1.50 naman sa kada litro sa kerosene.

Samantala, bukas (Aug. 24) sa ganap na 12:00 ng madaling araw ay magtataas na rin ng presyo ang mga kompanya ng langis sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.

Kabilang dito ang Metro Manila, Rizal provinces, Pampanga, Bataan, Zambales, Laguna, Bulacan at Cavite.

Ang oil price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis sa world market.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply