3 arestado sa pamemeke ng titulo sa Cavite

NAARESTO ng awtoridad ang tatlong hinihinalang miyembrong sindikato sa pamemeke ng titulo ng lupa sa Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina Marilyn Doctora, Mercedes Poras at isang dating pulis na si Gerald Arcega.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alamang notoryus ang tatlo sa pamemeke ng titulo ng lupa na ibinebenta sa inosenteng biktima.

Nabatid na nambibiktima ang mga suspek sa Laguna at Cavite dahil marami umanong residente ang nagkakainteres na magkaroon ng sariling lupa.

Kaugnay nito, pinayuhan ng awtoridad ang puliko ukol sa paglaganap ng mga pekeng diploma, pera, titulo ng lupa, at maging sa mga pekeng CD dahil lumalawak ang galing ng mga Pinoy sa pamemeke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply