3 bangkay napulot sa Caloocan

NATAGPUAN ang dalawang bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution sa Barangay 179, Caloocan City kaninang umaga.

Nabatid na nakatali pa ang mga kamay at paa ng mga biktima at naka-masking tape pa ang bibig ng mga ito nang makita ang kanilang bangkay sa isang taniman ng saging.

Base naman sa ulat ng pulisya, walang anomang pagkakakilanlan ang mga biktima na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan at mga marka na sinakal ang mga ito.

Inilarawan lamang ang mga biktima na nasa 30 hanggang 40 ang edad.

Una rito, isang bangkay din ang natagpuan kaninang umaga na nakasilid sa sako at nakabalot sa kumot sa may Monumento.

Hinihinalang biktima ng salvage si Mark Anthony Denostas na ayon sa kapatid nito ay apat na araw na nilang hinahanap ang biktima na umano’y labas-masok sa kulungan dahil sa kasong panghoholdap.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply