3 bangkay natagpuan sa quarry site

NAGULANTANG ang mga residente na naninirahan sa isang quarry site ng tumambad sa kanilang harapan ang tatlong bangkay ng lalaki sa lungsod ng Misasmis Oriental, habang isa pa ang nakita naman sa South Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang dalawa sa mga bangkay na sa pamamagitan ng nakuhang pitaka at sedula na sina Jimmy Bacus, 65 taong gulang at residente ng Sihayon, Sta. Cruz, Tagoloan at Ricardo Lastimoso, 68 anyos, at residente ng Purok 2 Conception, Compostela Valley, Lanao del Norte.

Sa sinagawang pagsusuri ng Misamsi Oriental PNP-Scene of the Crime Operatives ay hinihinala na pinatay ang tatlong kalalakihan o biktima ang mga ito ng summary execution.

Sinabi ni P/Sr. Insp. Surki Serenias ng Villanueva police station, maaring doon lamang itinambak ng mga hindi pa nakikilang salarin ang mga bangkay sa may quarry area ng Barangay Imelda lungsod ng Villanueva, Misamis Oriental upang iligaw ang mga imbestigador.

Ayon Serenias, nadiskubre ang bangkay ng mga biktima dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy ng nabubulok na tao sa isang liblib na lugar.

Natuklasang may sugat sa ulo ang mga biktima at nakita din sa crime scene ang isang basyo ng bala.

Samantala, kalansay na ng makita ang bangkay ng isang mister na pinaniniwalaang biktima ng salvage dahil nakatali pa ang kanyang dalawang kamay sa Barangay Tinungkop bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Base sa police report, kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Ronald Dading 27 anyos, may asawa isang magsasaka at naninirahan sa barangay Paraiso lungsod ng Koronadal .

Sa pahayag sa media ni P/Sr.Inspect Joan Maganto, chief of police ng Tantangan noong 2007 pa inulat na nawawala ang lalaki.

Subalit may lumutang ding angulo na sadyang pinatay ito dahil sa usaping love triangle.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply