3 biktima ng child labor, nasagip ng DOLE

NAILIGTAS ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tatlong hinihinalang child laborers na pawang nagtatrabaho sa isang construction site sa Negros Occidental.

Ayon kay DOLE Region 6 Director Ponciano Ligutom Jr., natagpuang nagtatrabaho ang tatlong menor de edad sa isang excavation site sa Barangay Calumangan, Bago City sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat ng DOLE, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa ilan residente na may mga menor de edad na pinagtatrabaho sa construction site.

Dahil dito, kasama ang awtoridad isinagawa nila ang pag-rescue sa mga nasabing child laborers at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare Development (DSWD) ang mga menor de edad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply