3 dalagita nalunod sa palaisdaan sa Malabon

PATAY ang tatlong dalagita matapos malunod nang maligo sa palaisadaan sa Malabon City  ngayong hapon.

Dead on arrival sa Alfonzo Clinic sina Rizamay Dolpino, 12; Angelita Gregorio, 12 at Patricia Gregorio, 11 pawang ng Santiago St., Malinta, nasabing lungsod.

Sa ulat, ala-1 ng hapon kanina nang magkayayaan ang mga biktima na maligo sa R-Tex Compd., Maysilo.

Lumubog ang mga biktima at nang magkakawag ay humingi ng tulong ang mga kasama sa mga residente hanggang maiahon ang mga dalagita bago dinala sa nasabing pagamutan.

Inaalam na kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng mga dalagita.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply