3 dam sa Luzon nagpakawala ng tubig

TATLONG major dam sa Luzon ang nagpakawala ng tubig kaninang umaga.

Ayon sa PAGASA, bandang alas-6:00 ng umaga nang magsimulang buksan ang isang gate ng  Ambuklao habang ang Binga at San Roque naman ay nakabukas pa rin ang kanilang dalawang gate.

Matatagpuan ang Ambuklao dam sa Bokod, Benguet habang ang Binga naman ay nasa Itogon sa nabanggit na lalawigan.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ilang mga dam sa Luzon ang nagbukas din ng kanilang gate bunsod pa rin ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Helen (Kai-Tak).

Nabatid na umabot ang water level ng Ambuklao sa 750.98 meters kaninang alas-6:00 kaninang umaga.

Nanatili namang nakabukas ang dalawang gate ng Binga Dam dahil sa pagtaas ng water level nito na nasa 574.35 meters.

Bukas pa rin ang dalawang gate ng San Roque Dam dahil umabot ang water level bito sa  281.33 meters, mas mataas sa naitalang 280.78 noong Linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply