3 fire volunteer sugatan, P2M naabo sa sunog

UMABOT na sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang nasunog na ikinadamay ng 10 kabahayan o 20 pamilya ang nawalan ng tirahan sa kasalukuyan pa ring inaapulang sunog sa isang residential area sa Tayuman, sa Tondo ,Maynila ngayon.

Base sa report ng Bureau of Fire protection,  may tatlong fire volunteers ang nasugatan sa pag-apula ng sunog na nakilalang sina Joshua Guanzon, 16, at Rolando Rodriquez Jr, 43, Francisco Vargas, ng Blue Eagle Text Fire Communication.

Si Guanzon ay nagtamo ng mga sugat sa ulo ng mabagsakan ng pader mula sa 4th storey building .

Nabatid na nasa 5th alarm na ang naturang sunog na nagsimula dakong alas 11:30 sa dalawang palapag na gusali na pag-aari ni Chairman Arlene Tan ng Brgy.234  Zone 12 ng nasabi ding lugar.

Sa ngayon ay tinututukan ng mga pamatay sunog ang  apat na palapag na gusali na puno ng Chinese products at katabi lamang ng 2 storey building na pinagmulan ng apoy dahil nadamay na rin ito.

Hindi pa rin mabatid ang pinagmulan ng sunog  na pilit na inaapula ng mga fire volunteers.

Gawa  umano sa light materials ang mga kabahayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply