3 holdaper patay sa Maynila

PATAY ang tatlong pinaghihinalaang holdaper matapos manlaban sa mga awtoridad kaninang madaling araw sa Maynila.

Sa inisyal na report, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng maganap ang engkwentro sa Dimasalang bridge sa Blumentritt, Maynila.

Ayon sa pasaherong sina Chris Manlulu at Dennis Laksa, sumakay ang mga suspek bago umakyat ng tulay ng Dimasalang at agad na nagdeklara ng holdap .

Nang malimas ang mga pera at cellphone ng mga pasahero ay mabilis na bumaba ng jeep ang mga suspek.

Tiyempo namang may nagpapatrolyang mga tauhan ng Manila Police District-Station 3 at hinabol ang mga suspek hanggang humantong sa palitan ng putok ng baril na nagresulta ng kamatayan ng tatlo.

Sa ngayon, inaalam pa ang pagkakilanlan ng mga suspek habang narekober naman ang mga kinuhang gamit at pera ng mga pasahero ng jeep.

Nakuha din sa mga suspek ang dalawang .38 kalibre ng baril at isang .45 automatic pistol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply