3 importer ng smuggled rice sa SBMA, ipinaaresto

IPINAAARESTO ni Senate President Juan Ponce Enrile ang tatlong indibidwal na sangkot sa pagpupuslit ng mahigit 420,000 metriko toneladang Indian White Rice sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) dahil sa pagsisinungaling sa Senado.

Kilala ni Enrile ang mga ipinaaaresto sina Cesar Ramirez ng Federation of San Miguel Cooperatives at Robson Enterprises; Protik Guha, kinatawan ng Amira C. Foods International; at Magdangal Diego Maralit Bayani III of St. Andrews Field Grains and Cereal Trading.

Natuklasan sa pagdinig na si Ramirez ang tumatayong importer ng puslit na bigas, si Guha naman ang nagpadala sa bansa at si Bayani naman ang nakatakdang bumili ng bigas para sa local na pagbebenta.

“All those who lied under oath during the investigation,” ayon kay Enrile.

“Ramirez told the committee that he didn’t know Bayani, but based on records magkakilala sila because they are the ones who are negotiating for the distribution,” ayon kay Enrile.

Idinagdadg pa ni Enrile na nagsinungaling din si Guha dahil sinasabi nito na walang intensiyon ang kanyang kompanya na ibenta ang bigas sa local na merkado, ngunit lumilitaw sa records na nakikipag-usap na siya kay Ramirez hinggil sa babayarang buwis at duties sa Aduana.

“Si Protik (Guha) naman, sinabi nya we have no intention to sell the shipment locally, only for transhipment. Pero, lumilitaw sa records na pinag-usapan na nila ng Metro Eastern Trading Corporation,  they agreed that the said local company will secure all the necessary receipts from Customs including the payments of taxes and duties,” ayon kay Enrile.

“How they can talked about tax and duties when he is saying that the shipment is for transhipment only,  lumalabas na maroon na silang plano on March 26, 2012,  hindi dumadating ang kargamento, pinag-uusapan na nila ang taxes and duties,” giit pa ng Senate chief.

Sinuportahan naman ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang pananaw ni Enrile na may kasunduan na ang Amira at Metro Eastern Trading Corporation sa pagbebenta ng kargamento sa local na pamilihan.

“The MOA between Amira and Metro East indicates an intention to distribute the shipment locally.   So, if it is transhipment, there is no need for an import permit, in fact it was stated on the services to be rendered there is trucking. So there is an intention to distribute the goods locally,” ayon kay Biazon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply