3 miyembro ng BIFM dakip sa Sultan Kudarat

NAARESTO ng awtoridad ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) sa isang checkpoint sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat Province.

Kinilala ni Chief Inspector Antonio Garcia, hepe ng CIDG-Sultan Kudarat ang mga suspek na sina Rasul Linga Ahmad, Gheramin Macalay Guimandal, pawang ng Bgy. Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan at si Mastara Biduna ng Poblacion, Talayan Maguindanao.

Ang tatlo ay sinasabing sangkot sa serye ng harassment at paghahasik ng kaguluhan sa Maguindanao.

Ayon sa report, na-confine sa ospital  ang isa sa kasamahan ng grupo sa Esperanza kaya agad silang sinudan ng mga sundalo ngunit  hindi sila inabutan sa ospital kaya minabuting maglagay ng checkpoint at dito na nasresto ang tatlo.

Nakuha sa mga suspek ang granada, M33 firearms, pistol at asul na tamaraw FX (TSF 755).

Nakakulong na ang mga suspek sa CIDG detention cell sa Sultan Kudarat province.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply