3 miyembro ng ‘Ipit Gang’ kalaboso

ARESTADO ang tatlo na miyembro umano ng ‘Ipit-Gang’ nang mambiktima ng pasahero sa dyip sa Makati City.

Kalaboso ang mga suspek na nakilalang sina Felix Viodor, Nelrick Patindang, at Edwin Cabase.

Ayon sa ulat, sumakay ang tatlong suspek sa dyip sa kahabaan ng Buendia kanto ng Makati Avenue at aktong nambibiktima ng isang pasahero na ginigitgit ng mga ito upang makuha ang cellphone ngunit nakita ito ng isa pang pasahero.

Dahil dito, agad na nagsumbong ang nakakitang pasahero sa mga pulis at nakahingi ng tulong.

Agad namang rumespunde ang mga pulis at nahuli ang mga suspek kung saan narekober pa sa kanila ang ninakaw na cellphone.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Makati Police Station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply