3 no bail ang kaso pinatakas o nakatakas sa QCPD-DAID? (2)

Noong kasagsagan ng  pananalasa  ng malakas na ulang dala ng  Habagat ay saka lang umano natuklasan ni QCPD Director Gen.  Mario  Dela Vega,   ang uma-no’y pagtakas ng tatlong  pusher matapos na sabihin ng isang opisyal.

Agad  itong pinaimbestigahan ng heneral sa  tanggapan ng District Investigation and Detective  Management Division ( DIDM) ngunit dahil ito ay kasong criminal, pinaimbestigahan ito sa tanggapan ng Cri-minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD.

Pinangunahan ni  SPO4 Leonardo Pasco ang imbestigasyon kaugnay sa pagtakas umano ng tatlong pusher  ngunit  ayaw nitong magbigay ng anomang pahayag sa media at kamakailan ay nabatid ng inyong  lingkod na pinasusumite umano ng CIDU si Ang ng report kaugnay
sa nasabing insidente.

Teka, hindi ba dapat munang masampahan ng kaso ang grupo ni Ang sa Ombudsman bago sila hingian ng investigation report ng CIDU at hindi po ba mayroon ng dating kaso itong si Ang sa tanggapan ng  Regional  Investigation  and Detective Management Division (RIDMD)?

Ayon naman sa impormasyong nakarating sa Lily’s Files , sinasabing isang nagngangalang “Andrew” umano ang nagpalabas sa tatlong preso  mula sa kanilang selda dahil mayroon itong mga bisita at dito ay nagtataka umano ang ilang preso noong bumaba ng kubo ang tatlo .

Bagma’t nagtataka ay hindi na lang umano kumibo ang ilang preso ng DAID sa pag-aakalang dadalhin na ang tatlo sa Quezon City Jail at ng mag-headcount kinabukasan ng umaga  ay doon  lang nalaman ng  mga preso na ang tatlo ay  tumakas habang nilalagari umano angbakal sa selda .

Ang gagaling talagang gumawa ng “script” ng mga taga DAID, wala akong masabi.

Ano ang masasabi mo rito, Maj. Richard Ang? .

Napag-alaman na hindi lang umano ang tatlong nakatakas ang hindi ikino- commitng DAID sa Quezon City Jail kundi marami pa.

Sinasabi rin ng ating source na sinasabihan umano ng mga pulis ang mga kamag-anakan ng kanilang mga nahuhuli  na  mahirap  makulong sa city jail.

At dahil sa takot ay kakausapin umano ang hepe o dili kaya ay  ang kanang kamay ni Ang ng mga kamag-anakan ng preso para  huwag lang madala sa city jail  sa isang cash-unduan.

Magkano kaya ang  naging  cash-unduan  sa umano’y pagtakas ng tatlo pusher?

Ayon pa rin sa ating source nagbigay umano ng tig-isang mansanas ang tatlong  pugante kung kaya  nakatakas ang mga ito nang walang kahirap-hirap.

Pa-kagat naman diyan …

Sana ay magiimbestiga rito ang korte dahil no bail ang mga nakatakas at kung kinakailangan ay ipa-pro-duce  ng korte sa mga pulis  ang tatlo.

TSK TSK TSK… yan na nga ba ang sinasabi ko, eh.

Dapat talagang matagal nang sinibak yang si Maj. Ang bilang hepe ng QCPD-DAID. Gen. Dela Vega, sir, wag niyong sabihin na pagta-takpan niyo pa rin itong si Ang sa kanyang kapalpakan.

Marami ang nagtataka sa pamunuan ng QCPD kung  bakit hindi mapalit-palitan itong si Ang bilang hepe ng DAID.

Anong mayroon ito at kung  sino ang  nag kakan-long dito? Nagtatanong lang po….

Bukas po ang Lily’s files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento. Mag-text lang po sa  09155683000 at 0908-7230036 o kaya ay mag- email lang sa  lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply